Monday, December 2, 2013

ANG CAREER KO NEXT YEAR

PANAHON na naman ng Pasko. Panahon na rin ng paggawa ng listahan ng ating bibilhing panregalo sa ating mga mahal sa buhay at mga inaanak. Malamang gumagawa ka rin ng Christmas Wishlist, na halos ang karamihan ay hindi naman nangyayari. At kung may matupad man sa iyong mga wish, lihim o lantad kang nasisiyahan at malamang din na ipagdiriwang mo rin ang mga iyon.



Magtatapos na naman ang isang taon at malapit nang magsimula ang Bagong Taon. Marahil marami sa atin ang umaasa ng maginhawang pamumuhay sa kabila ng mahigpit na ekonomiya. May ilan din sa atin ang nagtatanong kung may trabaho pa tayo next year. Ano kaya ang alok sa atin ng Bagong Taon kung ang trabaho natin ang pagtutuunan ng pansin? Nagsasawa ka na ba sa iyong trabaho? Ang kumpanyang iyong pinaglilingkuran, matatag pa ba? Paano naman ang iyong mga kasama sa trabaho, mabait pa ba sila sa iyo?


Narito ang ilang katanungan na maaari mong pag-isipan tungkol sa kumpanyang iyong pinaglilingkuran, sa iyong mga kasama sa trabaho, at ang iyong plano sa susunod na taon:



  • Nahihirapan na ba ang kumpanyang aking pinaglilingkuran? – Mahirap mahumaling sa iyong trabaho kung ang kumpanyang iyong pinapasukan ay hirap magtagumpay o nakadarama na hindi na ito umuunlad o wala nang maiaambag sa ikasusulong ng lipunan. Hindi ito tungkol sa kakapusan ng supplies o dami ng mga nasisibak na manggagawa kundi naroon ang pakiramdam na hindi na aangat ng antas mula sa pagiging mabuti o mahusay. Para kang basketball player na inaantok habang naglalaro. Nakaka-shoot ka nga pero wala nang humihiyaw na fans sa ipinakikita mong husay.


Sa panahon ngayon na waring nagpapaligsahan ang mga korporasyon, wala ka nang magagawang kahanga-hanga bilang isang kumpanya kung kaunti lang ang antas ng galing mo sa iyong mga katunggali. Ang kumpanya ba na iyong pinaglilingkuran ay angat sa iba? Kung hindi, bakit nariyan ka pa?


Itutuloy bukas.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



ANG CAREER KO NEXT YEAR


No comments:

Post a Comment