Thursday, December 19, 2013

Pacers lapnos sa Heat

AYAW pumayag nina LeBron James at Dwyane Wade na maisahan muli sila ng Indiana Pacers


Kumana si Wade ng 32 points habang 24 pts. ang binakas ni basketball superstar James upang ilista ang 97-94 panalo ng defending champions Miami Heat laban sa Pacers kaninang umaga sa 2013-14 National Basketball Association, (NBA) regular season.


Tinusta ng Heat ang 15 puntos na abante ng Pacers sa second half upang ipinta ng Heat ang 19-6 win-loss slate at makalapit sa tuktok ng Eastern Conference kung saan hawak ng Pacers ang liderato.


Nalasap ng last year’s Eastern Conference runner up ang pang-limang kabiguan sa 25 na laro. Sinet up ni four-time NBA MVP James si Ray Allen sa tres upang ilagay sa unahan ang Heat may 59.5 segundo na lang sa orasan.


”I love games like this.” sabi ni James.


Pumukol sa tres si Paul George para sa panablang tira subalit nagmintis ito.


Nagsalpak si George ng 25 puntos, walong rebounds at anim na assists habang 23 pts. ang inambag ni David West para sa Pacers.


Samantala, mula sa 19 puntos na pagkalubog sa first canto, humabol ang Detroit Pistons upang payukuin ang Boston Celtics, 107-106.


Sa ibang resulta nahirapan ng bahagya ang Western Conference defending champions San Antonio Spurs na makuha ang panalo kontra Phoenix Suns, 108-101.


Nanaig sa double overtime ang new York Knicks sa Milwaukee Bucks, 107-101.


The post Pacers lapnos sa Heat appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pacers lapnos sa Heat


No comments:

Post a Comment