Disyembre 19, 1984, nang lagdaan ng United Kingdom at People’s Republic of China, sa liderato nina British Prime Minister Margaret Thatcher at Chinese Premier Zhao Ziyang ang isang makasaysayang kasunduan.
Sa ilalim nito, nagkasundo ang mga gobyernong Chinese at British na ibalik ang Hong Kong sa China 155 taon matapos itong isailalim sa pamamahalang British, na resulta ng pagkakatalo ng China sa Opium War noong 1842.
Nagkasundo ang China at Britain sa “one country, two systems” principle, na magpapahintulot sa Hong Kong na magkaroon ng capitalist economy, at maging demokrasya.
Noong Hulyo 1, 1997, pormal na inilipat ang kontrol sa Hong Kong.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment