Thursday, December 19, 2013

Kotse, sumalpok sa truck, 3 sugatan

CAPAS, Tarlac – Tatlong katao na lulan sa isang kotse ang duguang isinugod sa Tarlac Provincial Hospital makaraang sumalpok ang sasakyan sa isang nakaparadang Isuzu Giga aluminum wing van truck sa Manila North Road sa Barangay Dolores, Capas, Tarlac, noong Disyembre 15.



Kinilala ni PO2 Arlan Herrera ang mga nasugatan na sina Alimudin Baroocor, 39, driver ng Toyota Corolla (PRP-891), ng Phase 12, Bagong Silang, Caloocan City; Daisy Nove, 24; at Krizyleen Nove, 5, ng Bgy. San Jose, Sta. Rosa, Nueva Ecija.


Binangga ng mga biktima ang Isuzu truck (RMA-394), na minamaneho ni Rosito Budoy Jr., 37, ng Windy Hill, Bgy. Wangan, La Trinidad, Benguet. – Leandro Alborote


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kotse, sumalpok sa truck, 3 sugatan


No comments:

Post a Comment