HINDI kami makapaniwala na napakaraming dumalo sa presscon ng pelikulang ‘Shoot to Kill: Boy Golden na pinangungunahan ng award winning actor at dating outstanding mayor ng buong Pilipinas na si Jorge Estregan, Jr. Tatlo lamang silang bigstars ang nakarating sa okasyon, una si Tonton Gutierrez followed by KC Concepcion na halos isang oras ang binabad ni KC sa pag-entertain sa mga question ng press na naroon. Nauna nang umalis si Tonton dahil meron pa itong tatapusin na ilang loops para i-dub niya ang kanyang boses.
Later part in the afternoon saka dumating na ang pinakahihintay ng lahat, ang butihing gobernador ng lalawigan ng Laguna na kaya pala siya late nang dumating ay nanggaling pala sila
sa Comelec at isinaayos niya ang kanyang problema na kung tutuusin ay noon pang June 13, 2013 ay ayos na ito. Harrassment ito sa kanya palagay ng kanyang mga kababayan sa Laguna.
Anyway, bago tinanong ang dalawang artista na sina Tonton at KC, nagkaroon muna ng intermisyon porsyon para hindi naman mainip ang media habang kumakain ng lunch. Ang singer na si
Prima Diva ay talagang napakagaling kumanta at hindi maiwasan na titigan at hangaan ito ng
actor at kami rin ay humanga sa kanya.
Pagkatapos niyang kumanta ay nagpa-raffle ng 10 microwave oven 10, sako ng bigas, 5 TV at
10 washing machines. Every 15 minutes ay nakasingit ang raffle kasi napakaraming papremyo. Naroon din ang magaling na singer na nagngangalang Michael Pangilinan (I hope na tama ako sa name niya kasi medyo hindi ko masyadong naringgan sa hiyawan). Dumalo rin ang sumisikat na rapper na si Abra. Present din ang mabait at mataray na director na si Chito Roño na halatang
puyat at binabantayan ang editing ng obra maestra niyang action film na ala-Chicago ang dating noong 1920′s.
Present din ang isa sa executive producer na si Maylyn V.Enriquez na namudmod muli ng papremyo na umabot ng P150K. Bagama’t ‘di kami pinalad na manalo nina Vir Gonzales, nakangiti pa
rin kaming umalis ng venue sabay sabing at least marami ang pinasaya ng presscon ni ER at
medyo may lungkot din kami roon sa mga hindi pinalad sa raffles.
Imagine mo naman, from five thousand pesos,then meron tig ten thousand pesos na 20 people na mananalo, talagang pamasko na ‘yan at marami nang mabibili sa grocery.
Siyanga pala, ang casting ng Boy Golden ay pinangungunahan siyempre ni Jeorge Estregan, KC Concepcion, Jhong Hilario, Baron Geisler, Joem Bascon, Roi Vinzon, John Lapus, Mon Confiado, Dick Israel, Deborah Sun, Simon Ibarra, Gerald Ejercito, Dexter Doria, Buboy Villar, Juan Miguel Urquico, Lui Manansala, Gerard Acao, and Mike Lloren. Kasama rin ang mga batikang premyadong actor at actress na sina Eddie Garcia at Gloria Sevilla sa direksiyon ni Chito S. Roño.
Huwag kaligtaang panoorin ang naiibang role rito ni KC na nagnanais na maging sikat na action star ng Philippine Movies.
-0-
NASAAN na si Gino Ilustre, ang dating pinagpapantasyahan ng mga beki sa showbiz? Bigla siyang nawala sa limelight nang humina ang pelikula na ang tema ay sex action drama at naglaho na lang itong parang bula.
Nang nasa presscon ako biglang may nagtanong sa akin kung nasaan na ang tall hunk mestisong aktor na kuya nina Rodjun at Rayver Cruz. Wala kaming naisagot dahil wala naman akong alam talaga kung nasaan na siya ngayon. Maaaring nasa Amerika ito kapiling ng kanyang pamilya.
Si Gino ay anak ng dating aktres ng Premier production na si Leticia Ojera kaya guwapo ito dahil apo siya ng kanyang American grandfather.
Gino, magparamdam ka na at baka sakaling mabigyan ka uli ng break sa TV. Nakasasawa nang panoorin ang mga artistang parati nalang napapanood sa TV tuwing hapon at gabi.
Ciao Bambino!
The post Nasaan na si Gino Ilustre? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment