Tuluy-tuloy ang pagtatanggal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa 15 barkong sumadsad sa iba’t ibang lugar sa Eastern Visayas dahil sa storm surge, na dulot ng super bagyong ‘Yolanda’.
Layunin nitong mapabilis ang pag-aalis sa mga barko para mapadali ang retrieval operation sa mga bangkay na pinaniniwalaang nasa ilalim pa ng mga debris, na nadaganan ng naturang mga barko.
Sinabi ni Lt. Junior Grade Paul Ryan Gonzales, station commander ng PCG-Tacloban City, na magiging mabusisi ang pagtatanggal sa barko para maiwasan ang oil spill. – Beth Camia
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment