HIGHLAND PARK, Illinois (AP) — Hindi naibenta ang 56,000-square-foot (5,200-squaremeter) na bahay ni Michael Jordan sa suburban Chicago sa isang subasta matapos kapusin ang bidding.
Sinabi ng tagapagsalita ni Michael na si Estee Portnoy na walang nag-alok ng reserve price na $13 million para sa seven-acre (2.8-hectare) estate sa Highland Park, hilaga ng Chicago.
Sinabi ni Portnoy na maayos na inilako ng Concierge Auctions ang auction noong Lunes, ngunit hindi naging maganda ang kondisyon ng merkado. Sinabi niya na ang mga option para sa property ay muling pag-aaralan sa susunod na taon.
Orihinal na ipinatala ng dating Chicago Bulls superstar ang bahay sa halagang $29 million noong unang bahagi ng 2012.
Mayroon itong siyam na siyam na bedroom, 15 full bathrooms, isang pool pavilion at isang regulation-size indoor basketball court. Nagtatampok din ito ng inilarawang “gentleman’s retreat,” na kumpleto ng library, wet bar at ang mga orihinal na pintuan ng Playboy Mansion sa Chicago.
Si Michael Jordan na ngayon ang nagmamay-ari ng Charlotte Bobcats.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment