Nagpakita kay Zacarias ang anghel ng Panginoon na si Gabriel. Natakot si Zacarias ngunit sinabi sa kanya ng anghel: “Dininig na ang iyong panalangin. Ipanganganak sa iyo ng asawa mong si Elizabeth ang isang lalaki, at pangangalanan mo siyang Juan. Magiging dakila nga siya sa harap ng Panginoon. Sinabi naman ni Zacarias sa anghel: “Matanda na nga ako at may katandaan na rin ang aking asawa.” Sumagot ang anghel at sinabi sa kanya: “Matutupad sa takdang panahon ang aking mga salita; ngunit ikaw na di naniniwala ay magiging pipi hanggang sa araw na mangyari ang mga ito.” At pagkaraan ng mga araw, nagdalantao ang asawa niyang si Elizabeth ngunit limang buwan itong di lumabas ng bahay at sinabi: “Ito’y gawa ng Panginoon! Ipinasya niyang alisin ang kahihiyan ko sa paningin ng mga tao.”
PAGSASADIWA
Ito’y gawa ng Panginoon! Ipinasya niyang alisin ang kahihiyan ko sa paningin ng mga tao. ● Paglingap ng Diyos ang pahayag ng Anghel na si Gabriel kay Zacarias. Paglingap ng Diyos ang sinambit ni Elizabeth sa pagdadalantao sa kabila ng kanyang katandaan at pagiging baog pa. Sa di maipaliwanag na dakilang pagmamahal ng Diyos, hindi nakapagsalita si Zacarias. Gumagawa ang Diyos ng higit sa ating inaasahan. Ito ang pag-ibig na di maipaliwanag maging ng salita.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment