“Every bit of truth that comes into a man’s heart burns in him and forces its way out, either in his action or in his words. Truth is like a lighted lamp in that it cannot be hidden away in the darkness because it carries its own light.” – Edward Wilson
Pampabigat sa dibdib ang katotohanan lalo na at ito’y makasasakit. Sa sandali na ito’y mailabas, ‘pagkat kailangang malaman, ay anong saya natin. Narito ang istorya sa isang batang lalaki na nagbabantay sa kanyang ina sa isang ospital.
Nasa Grade VI si Bert. Tanging anak ng isang labandera na biyuda na. Ang sakit niya ay terminal cancer. Alam ito ni Vering. Maiiwan niya ang anak sa kanyang Ninang Lita. Ilang araw bago namatay si Vering ay ipinagtapat nito na ang tunay na ama ni Bert ay isang piskal na tanyag sa kanilang lugar.
“Anak, hindi niya kasalanan na maging ama mo siya ‘pagkat lihim kaming nagmamahalan. Wala silang anak ng kanyang misis. Iniiwasan ko siya noong naglilihi na ako. Kami ng aking ina ang labandera sa malaking bahay. Magpunta ka sa kanilang bahay at magpresinta ka kahit anong trabaho.”
Matalinong bata si Bert. Lagi siyang nangunguna sa klase. Maraming medalya ng karangalan ang laman ng kahong iniingatan ng ina. Naging all around boy si Bert sa malaking bahay. Nang magtagal ay si Bert na ang inatasan ni Ma’am Eva na maghanda ng mga kailangan ni Sir Edwin. Gabi pa lamang ay inaayos na ni Bert ang mga isusuot ng kagalang-galang na piskal.
Isang gabi ay ibig isama ni Sir Edwin si Bert sa kanilang lalawigan ‘pagkat malubha ang ina. Mag-iikasampu na ng gabi noon. Kumatok si Sir Edwin. Si Bert ang nagbukas ng pinto. Pumasok ang abogado na tanyag dahil sa kanyang talino at bait. Ang larawan na nakapatong sa munting aparador ang nagbukas ng lihim na matagal nang nakatago sa puso ni Bert.
Niyakap ng piskal ang anak na matagal nang naging palaisipan. May nagbalitang isang kaibigan na may anak siya kay Vering. Maraming nagsasabing magkamukha silang mag-amo. Totoo pala!
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment