Thursday, December 19, 2013

Is 7:10-14 ● Slm 24 ● Lc 1:26-38

Isinugo ng Diyos ang anghel na si Gabriel sa isang birhen na na nagngangalang Maria na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan ni David. Sinabi ni Anghel Gabriel “Matuwa ka, O puspos ng grasya, sumasaiyo ang Panginoon.” Nabagabag naman si Maria. Sinabi ng anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. At ngayo’y maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na pangangalanan mong Jesus. Magiging dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David…


PAGSASADIWA

Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. ● Ang pumapawi sa takot ay ang pagmamahal ng Diyos. Kapag ang tao ay natatakot, marami siyang nakakalimutang mga kakayahan at posibleng malimutan din niya ang kanyang pagkatao. Sa balitang hatid ng Anghel na si Gabriel, nagulumihanan si Maria. Bagamat marami siyang hindi naunawaan sa mensaheng ito, sapat na ang salitang binitiwan ng Anghel tungkol sa katotohanang kinalulugdan siya ng Diyos. Dahil sa pagmamahal na ito, nasambit niya, “Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi”. Ang nagaganap na kalooban ng Diyos sa tao ang nagpa-paalis sa takot ng puso.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Is 7:10-14 ● Slm 24 ● Lc 1:26-38


No comments:

Post a Comment