Sunday, December 1, 2013

Ina-underestimate nila kami – Melai

Nagsasaya kami, ‘tapos sila ganyan? – Jason


Melai at Jason SA nakaraang interview namin kay Angelica Panganiban, worried siya para sa pagbubuntis ni Melai Cantiveros courtesy of Jason Francisco. Marami nga namang mababago sa buhay at career ni Melai.


“Parang ‘di pa kaya ni Jason na maging ama?” sabi pa ni Angelica.



Nakarating sa kaalaman nina Jason at Melai ang pahayag ni Angelica at aminado sila na nasaktan si Jason at sumama ang loob nila pareho kay Angelica.


“Siyempre, normal reaksiyon ng mga kaibigan ‘yun. Pero siyempre, nasasaktan ka din kasi inaunderestimate nila kami,” bulalas ni Melai.


Paghahambing pa ni Melai sa aniya’y paglolook down sa kapasidad ni Jason na makabuhay ng pamilya, ”’Yung mga mangingisda nga, kumakain ng tatlong beses isang araw, kami pa?” depensa ng komedyana kay Jason.


Mas masakit para kay Jason ang pahayag ni Angelica, kaya ‘di rin ito masisisi kung maglabas man ng sama ng loob.


“Ano sila, puwede nilang sabihin kung anuman ang gusto nilang sabihin sa akin. Pero, ‘yung hindi ko pa kaya? Sa totoo lang, nakarating sa parents ko sa province (Batangas) at nagalit sila. Sabi ko nga, tayo nagsasaya (sa pagkakabuntis ni Melai), ‘tapos sila ganyan? Hayaan na natin sila kasi hindi naman nila ako kilala, hindi naman ako close sa kanila. Dahil ba sa ganito ang itsura ko?” teary-eyed na sabi ni Jason.


“Hindi mo rin kasi sila mabi-blame,” mapang-unawang sabi ni Melia “Kasi hindi nila alam na nagkabalikan na kami and yet

biglang may ganitong nangyari.


“Ayoko ko na rin kasi ‘yung kuwento-kuwento kasi iba na, eh, gustoko siyana’yongmakakasama ko habambuhay,” sey pa ni Melai.


“Sabi ko nga, dalawa lang itong bubuhayin ko ngayon,” wika uli ni Jason sabay turo kay Melai at sa tiyan nito. “Eh, noon, ilang pamilya ang binuhay ko, umaasa sa akin, tatlo? Tatlong pamilya, maliit pa ako noon, nasa high school, kumbaga ako ang bumubuhay sa kanila, mga pamangkin, at kahit papaano, nairaos ko. Hindi kasi nila alam… ito, dalawa lang. Hindi pa ako artista nakaya ko, itong dalawa pa?” sambulat ni Jason.


Nagpapasalamat sina Jason at Melai sa Dreamscape na kumuha sa kanila para mapasama sa Honesto. -Ador Saluta


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ina-underestimate nila kami – Melai


No comments:

Post a Comment