Tuesday, December 3, 2013

Iba’t ibang sakit sa bladder

PREVENTION is better than cure.


Tandaang ang anumang uri ng karamdaman ay napapagaling agad at hindi magiging pahirap kapag agad na naagapan at hindi pa malala.


Huwag nating hintayin na saka lamang aaksiyon kung kailan huli na ang lahat.


Mainam kung huwag nang pairalin ang hiya o takot at sa halip ay agad na magpakonsulta sa doktor dahil para rin naman yan sa inyong kapakanan, bukod sa sila ang higit na makatutulong sa inyo. Ika nga, iwasan natin ang self-medication.


At para sa inyong kaalaman, narito ang ilang sakit sa bladder na dapat aksiyunan bago pa man mahuli ang lahat.


OVERACTIVE BLADDER––Ang overactive bladder o kilala rin sa tawag na sensitive or salt bladder ay may mga sintomas na pag-ihi nang mahigit sa walong beses sa isang araw at dalawang beses sa isang gabi. Ito rin ang pakiramdam na para bang lagi na lang ay gusto n’yong umihi kahit hindi naman. Ang regular na pag-ihi at hindi pagpigil nito ay makatutulong para maiwasan ang impeksiyon. Makatutulong din ang tinatawag nating kegel exercise at siyempre ang pinakamedikasyon ay sa tulong ng espesyalista.


URINARY TRACT INFECTION–––Ang pakiramdman na para bang gusto ninyong ubusin ang lahat ng laman ng inyong pantog o bladder, masakit at pagkaranas ng burning sensation kapag umiihi at pagkakaroon ng dugo sa ihi ay sintomas ng UTI. Kapag ang isang babae ay postibo sa ganitong impeksiyon, makatutulong ang ibibigay na antibiotics ng doktor. At para maibsan ang sakit na madalas maramdaman, minsan ay nagbibigay ng uri ng gamot ang doktor tulad ng Uristat, uri ng OTC analgesics.


KIDNEY INFECTION––Ang madalas o kaya ay hindi mapigil na pag-ihi, panlalamaig, pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng tagiliran o kaya ay ng gitna ng likuran, pagkahilo at pagsusuka ay sintomas ng kidney infection.


Mainam kung agad magpunta ng doktor upang agad na mabigyan ng lunas. Kapag na-diagnosed na positibo kayo sa impeksiyon, maaaring bigyan kayo ng intravenous at oral antibiotics.


The post Iba’t ibang sakit sa bladder appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Iba’t ibang sakit sa bladder


No comments:

Post a Comment