MAY kakaibang karanasan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang hindi sila magpagpag. May kasabihan kasi na hindi lang daw pagkagaling sa burol dapat magpagpag kundi pagkagaling din sa isang bahay o lugar na haunted na mabigat at weird ang pakiramdam.
Ayon kay Daniel Padilla, pag-uwi niya ay nandun ‘yung mga kaibigan at kabanda niya sa bahay. Pero marami raw weird na nangyari sa bahay nila after na mag-shoot sila sa Pililla, Rizal. Pati ang kasambahay nila ay may nakita raw na ‘lalaki’. May nakita raw siya na katabi ni Batman (malaking istatwa sa bahay nila).
Siya naman ay parang may sumisipol sa kanya sa loob ng kuwarto.
“Parang ginagaya ‘yung sipol ng kaibigan ko. Sisipol ‘yung kaibigan ko, tapos biglang may gumagaya. Tapos, parang hindi ko pinapansin. Kasi, ayokong magtakbuhan, eh. Delikado ‘yung ano sa bahay namin, eh. Nu’ng sumipol siya (kaibigan niya) ulit na may gumaya, sabi niya sa akin, ‘Narinig mo ‘yon?’ Ako naman, ‘Hindi, wala akong narinig. ’Tapos, nu’ng sumipol na talaga siya, sabi niya, ‘Tingnan mo ‘to…’ Sumipol siya. Tapos, sa gitna naming dalawa, ginaya ‘yung sipol! So, ayun. Hindi naman ako natakot, actually. Ha! Ha! Ha,” kuwento niya.
May share rin si Kathryn na ang bigat-bigat ng vibes niya sa isang location nila at hindi raw siya nagpagpag. “Ewan ko kung imagination ko lang, pero same time ‘yon na may nangyari rin kay DJ. Nag-text din siya sa akin. Ang nangyari sa akin, ‘yung blower. Naligo ako bago matulog. Pinatuyo ko ‘yung buhok ko. Tapos, nu’ng nakahiga na ako sa kama ko, nag-on bigla ‘yung blower! E, pinatay ko ‘yon. “So, tinawag ko sina mama, pinapunta ko sila sa CR. Tinext ko rin si DJ. Tapos, sabi niya, may nangyari rin pala sa kanya. Same time, sa bahay niya. So, feeling namin, kasi hindi kami nagpagpag galing sa location. Baka may sumama or something,” kuwento niya.
Mula noon after ng shooting nila ay nagco-convoy sila at nagpapagpag sa gasoline station bago umuwi.
Talbog!
-0o0-
NAGSIMULA sa blind item na dalawang buwang buntis diumano si Jodi Sta. Maria courtesy of Vice Governor Jolo Revilla. Ayon sa publicist ni Jodi, tinawanan lang niya ito at pinabulaanan ang kanyang kalagayan. Hindi raw totoo. Ngayon naman may alingasngas din na magpapakasal diumano ang dalawa sa abroad. Sa States lang daw puwedeng pakasal ang dalawa dahil hindi pa na-annul ang kasal nina Jodi at Pampi Lacson.
‘Yung kasal lang daw nila sa Las vegas ang diumano’y napawalang bisa. Hindi na rin maghahabol si Pampi ‘pag nabuntis si Jodi dahil may baby na sila ngayon ni Iwa Moto.
Kahit ang leading man niyang si Richard Yap ay hindi rin naniniwalang buntis si Jodi.
“They associated it with her real life kasi noong nagka-dengue siya ay pinalabas rin siya sa show na may dengue. So, they might be thinking that we are doing the same thing now, but sorry to say hindi pa,” reaksyon ni Ser Chief sa isang panayam.
Napangiti rin si Cong. Lani Mercado nang uriratin namin ang tungkol sa blind item na ito. Tinanong din namin siya kung ready na siyang bigyan ulit ni Jolo ng apo, sey niya wala namang problema. Basta ilagay lang daw nina Jolo at Jodi sa ayos at tama ang sitwasyon.
The post False alarm ang pagbubuntis! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment