Monday, December 2, 2013

Election protest vs Cabiao mayor, ibinasura

GAPAN CITY, Nueva Ecija – Wala nang agam-agam ang panunungkulan ni Mayor Gloria Crespo-Congco ng Cabiao, matapos ibasura ng Gapan City Regional Trial Court Branch XXXIV ang election protest na inihain ng isa sa mga natalo niya sa halalan noong Mayo ngayong taon.



Batay sa 10-pahinang desisyon ng hukuman na nilagdaan ni RTC Branch 34, Judge Celso Baguio, ibinasura ang election protest laban kay Congco dahil sa kawalan ng merito ng kaso na inihain ni Ramil B. Rivera, lokal na kontratista, laban sa alkalde.


Ibinasura ang kaso matapos magsagawa ang korte ng manual recount ng mga balota sa 43 voting precincts ng 59 na clustered precincts, at magsagawa ng revision proceedings noong Hulyo 22-Setyembre 6. – Light A. Nolasco


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Election protest vs Cabiao mayor, ibinasura


No comments:

Post a Comment