Target ipormalisa ng pacesetter PLDT-MyDSL ang pag-entra ngayon sa semifinal habang tatlo pang koponan ang rerenda patungo sa hinahangad na posisyon sa quarterfinal ng women’s division ng Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang napakadelikadong Cagayan Valley ang haharang sa daraanan ng Speed Boosters na target isara ang kanilang elimination round campaign sa isang napakataas na nota, ang mapasakamay ang kanilang ikalimang sunod na panalo sa ganap na alas-2:00 ng hapon.
Inaasahang ‘di pahuhuli ang Rising Suns, taglay sa ngayon ang tatlong panalo. Nagpakita sila ng magandang kampanya sa nakaraang Invitational conference at minamataan na makakausad sa last four sa pagkakataong ito.
Magtatagpo ang baguhang RC Cola at Petron sa ganap na alas-4 ng hapon, kung saan ay kapwa hangad ng koponan na makubra ang mas magandang posisyon sa quarterfinal round na magsisimula sa susunod na linggo.
Sa men’s side, makakaharap ng Giligan’s Restaurant ang Systema sa ganap na alas-6:00 ng gabi sa do-or- die semifinal match ng torneo na inorganisa ng Sports Core at kinilala ng International Volleyball Federation, kasama ang Asics, Mikasa, LGR, Jinling Sports as main backers and Solar Sports bilang official broadcast partner.
Ang magwawagi sa pagitan ng Sisig Kings at Active ang haharap sa magtatagumpay sa pagitan ng top seed PLDT-MyDSL at Maybank sa finals sa una at natatanging inter-club volleyball tournament sa bansa.
Ngunit inaasahang nakatutok ang lahat sa Speed Boosters, partikular na sa kanilang American imports, European circuit veterans na sina Kaylee Manns at Savannah Noyes.
Makaraang sumadsad sa maiden conference, ipinarada ng PLDT-MyDSL heavily-revamped lineup at kinuha ang seasoned tactician na si Roger Gorayeb at pares ng hard-hitting American reinforcements na sina Manns at Noyes para sa mas seryosong bid para sa korona sa pagkakataon na ito.
Naging maganda naman ang kinalabasan ng resulta kung saan ay naipanalo ng Speed Boosters ang apat na magkakasunod na laro, sapat na para makuha nila ang outright semifinal berth via a superior quotient kontra sa kanilang pinakamalapit na pursuers, na TMS-Army (4-1) at Cagayan Valley (3-1).
“We have the luxury of playing relaxed on Sunday,” saad ni Gorayeb matapos ang kahanga-hangang 25-13, 24-26, 25-18, 25-20 win laban sa RC Cola noong Biyernes. “But still, we have to do our best because our opponent, Cagayan, is expected to come out strong. It will give us a preview of what to expect in the semifinals.”
Sinabi ni Gorayeb na sina Cagayan’s prolific Thai imports, Wanida Kotruang at Patcharee Saengmuang, at maging ang locals na sina Aiza Maizo-Fontillas at Pau Soriano ang magbibigay ng mahigpit na laban sa kanila.
“We will be ready,” pahayag nito. “We will plug the loopholes on our defense and try to avoid too many turnover on offense.”
Aang panalo ng Rising Suns ang magdadala sa kanila sa three-way tie kasama ang PLDT-MyDSL at TMS-Army na mayroong 4-1 card sa pagtatapos ng eliminations.
Inaasahan naming kukunin ng Lady Troopers ang ikalawang semifinal seat hinggil sa superior quotient matapos ang emphatic 25-5, 25-18, 25-20 demolition sa Cignal noong Biyernes, nagbigay sa Cagayan Valley kontra sa matatalo sa winless RC Cola at Petron sa quarterfinals.
“We have to work hard to avoid a tough team like Army or Cagayan in the next round,” saad ni Petron coach Villet Ponce-de Leon. “RC Cola is also a tough team. It is a veteran team. We have to contain their spikers and tighten up our floor defense if we want to at least stand a chance.”
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment