ni Marivic Awitan
Makasalo ang Petron Blaze at Barangay Ginebra sa liderato ang tatangkain ng Barako Bull sa kanilang pakikipagtuos sa Rain or Shine sa pagpapatuloy ng PLDT myDSL-PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City.
Sa ganap na alas-5:15 ng hapon ang paghaharap ng Energy Cola at Elasto Painters kasunod ng salpukan ng dalawang winless squads na San Mig Coffee at Air21 Express sa ganap na alas-3:00 ng hapon.
“It will be another tough test for us. Panibagong adjustment ulit sa defense. And I do hope that our players will again respond,” pahayag ni Energy Cola coach Bong Ramos matapos ang kanilang ikalawang panalo kontra Alaska Aces, 97-93, kasunod ng kanilang 88-75 na pagwawagi naman laban sa Air21.
Inaasahan ni Ramos na muling mangunguna para sa kanyang koponan sina Ronjay Buenafe na nagtala ng 27 puntos sa nakaraang laban nila kontra Aces, Mark Isip, JC Intal, Willie Miller at Willy Wilson.
Sa kabilang dako, maghahabol naman ang Elasto Painters na makabalik sa winner’s track matapos dumanas ng kabiguan, ang una nila, matapos ang tatlong laban, sa Barangay Ginebra noong nakarang Nobyembre 24, 84-97.
Samantala, sa unang laro, maguunahan namang magtala ng kanilang unang panalo ang reigning Governors’ Cup champion San Mig Cofee Mixers at ang Air21 Express na kapwa taglay ang 0-3 marka.
Huling natalo ang Mixers sa unang laban nila ng natalong Governors’ Cup finalist na Petron Blaze, 78-91, habang natambakan naman ang Express sa kanilang pinakahuling kabiguan sa kamay ng Meralco Bolts, 79-112.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment