Monday, December 2, 2013

Anne Curtis nagwawala pag nalalasing

HINDI naman fault nung gay icon kung super bongga at napaka-prominent ang billing niya sa kanilang festival movie. Ang dapat sisihin doon ay ang production outfit na nag-produce ng movie.


Sana man lang, bilang respeto, inayos naman nila ang billing ng mahusay na senior actress para hindi naman ito nagmumukhang kawawa.


Imagine, ‘yung isang young actress pa ang may and sa billing at ikinumpol lang sa mga categorically ay nameless actors or support ang mahusay na aktres.


Ano buzz? Hahahahahahahahahahahaha!


In a way, maswerte pa rin naman ang mature actress dahil nakapagbibida pa rin naman din siya at kumikita naman kahit papano.


‘Yung isang aktres nga na kanyang contemporary ay nalilinya na lang sa mga support roles at never nang nakapagdadala ng pelikula.


Pa’no naman kasi, hindi na inalagaan ang sarili, lomobo na ang puson at wala ng arrive ang dati-rati’y mala-diyosang pagmumukha.


What a pity!


NAGWAWALA KAPAG NALALASING


Current sensation na naman sa internet si Anne Curtis after na magwala raw siya sa isang bar sa The Fort dahil ‘bangenge’ na. Hahahahahahahahahahaha!


Ano ba ‘yan, sweetheart? Dapat sa mga tulad mo ay nag-iingat para hindi ka nagiging biktima ng mgacheap na intriga.


Anyway, as the story goes, nasa comfort room daw si Anne and was relieving herself of ‘anxiety’ (relieving herself of anxiety raw, o! Hahahahahahahahaha!) nang maramdaman daw nitong parang may kumakalampag sa pinto ng comfort station.


Dahil wala sa katinuan ang pag-iisip, iritada itong lumabas ng CR at nang makita sa labas ang co-actor na si John Lloyd Cruz ay bigla raw itong sinampal.


Dahil na-sense na wala na si Anne sa kanyang sarili, dinedma na lang ng aktor ang nakaiiritang actuation ng aktres.


Back to her table, nilapitan supposedly siya nina Phoemela Barranda para itanong kung ano ba ang nangyari?


Ang kaso, nagtaray raw ang bangenge na supposedly na actress/comedienne at nilait-lait sina Phoemela and company.


Well, magmula ng November 30 up to this writing, hindi talaga tumitigil ang isyu na ‘to kay Anne.


‘Yan kasi ang hirap kapag nakainom na tayo nang medyo sobra na sa ating makakayanan.


Ang end product ay kaokrayang walang katulad.


What a pity!


SARILI NAMAN ANG INAASIKASO


Back in town na pala si Lani Misalucha dahil maraming offers sa kanya lately sa Pinas.


Wala na rin naman daw kasing aalalahanin siya sa abroad dahil ‘yung bunso niya ay married na and a mother to boot of late.


Ang bilis talagang lumigwak ng panahon. Kailan lang ba ‘yun when Lani was a lot slimmer and not into cosmetic surgery and was touted to be one of the most promising entertainers in the country? Hahahahahahahaha!


Bigla ko tuloy naalala ang kanyang Big Dome concert kung saan kinabog niya onstage ang isang equally good entertainer na from then on ay hindi na niya nakasama at naging ka-close muli. Hahahahahahaha!


Mereseng chaking (chaking daw ang nosejob, o! Hahahahahahahahaha!) ang kanyang nose job, it’s an unassailable fact that she’s a five-star entertainer.


‘Yun lang!


Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!


The post Anne Curtis nagwawala pag nalalasing appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Anne Curtis nagwawala pag nalalasing


No comments:

Post a Comment