Wednesday, December 4, 2013

ANG DAHILAN SA PAGRE-RESIGN NI BIAZON

deep fried SI Ruffy Biazon ay hanggang Friday na lang magiging customs commissioner, ayon sa kaibigan niyang si Pangulong Noynoy Aquino.


Pinagbintangan kasi siyang may kinalaman sa P10-billion pork barrel scam na umano ay pakana ni Janet Napoloes na sinasabing utak ng mga pekeng NGO o non-government organization.


Sa resignation ni Biazon ay halos wala siyang inungkat tungkol sa P10-billion pork barrel scam.


Ang pinagtuunan niya ng atensiyon ay ang kanyang maganda raw na rekord sa Bureau of Customs.


Ang isyu ay ang demanda ng National Bureau of Investigation (NBI) na itinuturong si Biazon ay sangkot sa pandarambong na ito ngunit nais yata niyang palabasin na ang isyu ay ang customs at hindi ang P10-billion scam.


Ang sabi ni Biazon ay sasagutin niya ang bintang sa kanya ng NBI sa tamang panahon at sa tamang forum. Meaning, sa korte na lamang.


Si Biazon ay dating congressman ng Muntinlupa at kung mahatulan siyang guilty ng Sandiganbayan ay tiyak na sa Munti ang tuloy niya, o kaya sa Sta. Rosa.


Puwede rin sa Saint Luke’s o sa Veterans Memorial hospital.


Tama ang desisyon ni Ruffy Biazon na mag-tender ng resignation pero hindi tamang gawing dahilan ang kanyang pagre-resign sa customs.


Sa kanyang unang State of the Nation Address, pinasaringan ni Noynoy ang kapal ng mukha ng mga tiwaling customs official at personnel.


Nag-text agad kay Noynoy si Ruffy at nag-alok ng resignation.


Later, sinabi ni Ruffy na hindi na siya magre-resign dahil mayroon daw tiwala sa kanya si PNoy.


Hanggang sa dalawang linggo ang nakaraan at kinasuhan siya sa NBI ng bintang na malversation ng public funds.


Tumakbo siya kay Noynoy ngunit tinanggap naman niya agad ang irrevocable resignation ni Ruffy.

Mag-friends ba ang dalawa?


The post ANG DAHILAN SA PAGRE-RESIGN NI BIAZON appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ANG DAHILAN SA PAGRE-RESIGN NI BIAZON


No comments:

Post a Comment