ILANG tulog na lang at magreretiro na si Chief Supt. Liza Sabbong, director ng Crime Laboratory (CL) ng Philippine National Police (PNP) kaya’t tiyak na ninenerbiyos na ang kanyang alaga na sunod-sunuran sa kanyang mga kapritso.
Advance Happy Birthday kay Gen. Sabbong na hanggang Disyembre 26 na lang sa serbisyo pero baka hindi makakuha ng retirement pay dahil sa kasong kinahaharap nito sa Office of the Ombudsman at posibleng kaharapin pa dahil sa kanyang pakikinig sa payo ng kanyang turuang aso.
Bakit nga nenerbiyusin ang tuta ni Sabbong?
Kasi naman wala na siyang pader na sasandalan at posibleng mga kaso pa ang kanyang kahaharapin dahil sa mga kawalanghiyaan na ginawa nila sa Crime Laboratory.
Pero teka, balitang-balita sa loob at labas ng CL na kapag nagretiro si Sabbong ay mag-a-apply bilang Deputy Director for Administration ang kanyang paboritong utusang opisyal. Naman! Palong-palo ka pala at mataas ang lipad ni Sr./ Supt. Emmanuel Aranas, Deputy Director for Operation (DDO).
Dapat mabatid ni PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima ang mga kalokohang ginawa ng dalawang opisyal sa CL kaya inis na inis at galit na galit sa kanila ang mga opisyal at tauhan ng nasabing tanggapan sa loob ng Camp Crame.
Sa panunungkulan ng dalawang nasabing mataas na opisyal, marami sa mga taga-CL ang demoralisado dahil sa kanilang mga ginagawa at ipinatutupad sa kanilang kaharian.
At tiyak na sasakit ang ulo ng papalit kay Sabbong dahil sa rami ng minana niyang kapalpakan sa pamamalakad nina Sabbong at Aranas.
o0o
Mabuti naman at trabaho lang at walang halong pulitika at pera ang paglaya ng mga dayuhang Chinese na hinuli sa 168 Mall sa Binondo, Maynila sa nagdaang operasyon ng Bureau of Immigration.
Pumutok ang balita na tumawag kay BI officer in charge Atty. Siegfred Mison ang isang politiko at nagpakawala ng pera para makalaya ang may 35 Chinese na naunang hinuli sa hinalang nagtatrabaho sa bansa ang
mga ito nang walang kaukulang dokumento.
Maganda ang layunin ni Mison at mga tauhan nito, sa pagdampot sa mga dayuhang hinihinalang dito nagtatrabaho sapagkat nawawalan ng pagkakataon ang ating mga kababayang makapagtrabaho.
Labag sa batas na magtrabaho sa bansa ang mga dayuhan nang hindi binibigyan ng kaukulang dokumento ng BI.
Kung ganoon, hindi lang 168 Mall ang dapat salakayin kundi maging ang ilang establisimyento sa Tondo, Binondo, Quiapo at Sta. Cruz na pawang dayuhan na rin ang mga nagtatrabaho.
The post AMBISYONG TUTA; WALANG PERA, WALANG POLITIKO appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment