Thursday, November 27, 2014

UPDATE: Queenie tumawid ng Visayas, Palawan isusunod

TINAWID ng bagyong Queenie ang ilang bahagi ng Visayas bago bumalik sa karagatan ng Panay Gulf nitong Huwebes ng umaga, Nobyembre 27.


Sinabi ng Philippine Astronomical Geophysical Atmospheric Services Authority (PAGASA) na dakong 10 a.m., ang naturang bagyo ay nasa 120 kilometro sa hilagang-kanluran ng Dumaguete City at may taglay na lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras.


Inaasahan itong tutuloy sa Sulu Sea bago dumaan sa Palawan ngayong gabi.


Ayon pa sa PAGASA, inaasahan ang paglabas ng bagyo sa Philippine area of responsibility bukas ng hapon, Biyernes.


Nakataas pa rin ang signal no. 1 sa Palawan, Calamian Group of Islands, Cuyo Islands, Bohol, Southern Cebu, Negros Oriental, Southern Negros Occidental, Siquijor, Guimaras Island, Iloilo, Antique at Zamboanga del Norte.


Inaasahan naman na lalakas pa ito sa paglabas sa kalupaan ng Negros provinces dahil babalik ito sa karagatan.


Ayon sa PAGASA, posibleng makapag-ipon pa ito ng hangin at ulan habang patungo sa lalawigan ng Palawan.


Huling namataan ang bagyo sa layong 120 kilometro sa hilagang-kanluran ng Dumaguete City (10.1°N, 122.6°E).


Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph, habang umuusad nang pakanluran sa bilis na 24 kph.


Nakataas pa rin ngayon ang signal no. 1 sa Palawan, kasama na ang Calamian Group of Islands at Cuyo Islands; Bohol, Southern Cebu, Negros Oriental, Southern Negros Occidental, Siquijor Guimaras Island, Iloilo at Antique, Zamboanga del Norte.


Inaasahan na muli itong magla-landfall mamayang gabi sa probinsya ng Palawan bago tuluyang lumabas ng bansa sa Biyernes ng umaga.


Samantala, isa na ang patay sa pananalasa ng naturang bagyo.


Kinilala ang unang biktima na si Alona Baldado, 40, na kasamang naanod ng bahay nito sa Bgy. Sto. Niño.


Huwebes ng madaling-araw, bumuhos ang napakalakas na ulan na may kasamang malakas na hangin at hinihinalang isang buhawi ang tumama sa kanilang bayan.


Matapos nito’y narekober ang labi ng biktima malapit sa tulay sa umapaw na ilog habang nakaligtas naman ang anim na taong gulang na anak nito.


Samantala, may dalawang mangingisda pa ang naiulat na nawawala sa Cebu. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Queenie tumawid ng Visayas, Palawan isusunod


No comments:

Post a Comment