HINIHINALANG may bangag sa droga ang salarin ng paslangin ang isang mag-ina kabilang na dito ang isang 2-anyos na batang babae sa pamamagitan ng paghambalos ng isang dos-por-dos sa loob mismo ng kanilang bahay kagabi, sa Pasay City.
Patay na at kapwa naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang mag-inang kinilalang sina Raida Paino, 22, hiwalay sa asawa, labandera at ang anak nitong si Victoria, dalawang-taong gulang, ng Block-38 Lot-18 Mahogany St., Bgy-145 Zone-16 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tinamong palo sa ulo at katawan.
Sa isinumiteng ulat kay S/Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City Police, alas-8:30 ng gabi nang matagpuang patay ang mag-ina sa loob ng kanilang kuwarto na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Sa salaysay ng ina ni Raida na si Binolawan Paino, 44, huli umano niyang nakitang buhay ang kanyang anak at apo alas-9 ng umaga kahapon kung saan iniwan niya ang mga ito sa bahay para maghanapbuhay.
Alas-8:30 noong gabing ‘yon nang umuwi si Binolawan kung saan tumambad sa kanya ang duguan at patay nang apo at anak niya.
Agad na humingi ng tulong si Binolawan sa kanilang mga kapitbahay para ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang nangyari.
Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District, narekober sa pinangyarihan ang isang duguang dos-por-dos na posibleng ginamit sa pagpatay sa mag-ina.
Napag-alaman pang may mga pagbabanta sa buhay ng biktimang Muslim at hindi umano matukoy kung sino dahil matagal na umano itong hiwalay sa kanyang asawa.
Hinihinala namang may kinalaman sa droga ang naganap na pagpatay sa mga biktima dahil laganap sa lugar ang iligal na gamot.
Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam na nila kung mayroong nakalagay na close circuit television (CCTV) camera na makatutulong sa kanilang imbestigasyon.
Nabatid sa pulisya na tumanggi ang pamilya ng mga biktima na isailalim ang mga ito sa awtopsiya dahil labag ito sa paniniwala ng kanilang relihiyong Islam. JAY REYES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment