UNTI-UNTI nang lumalabas ng bansa ang binabantayang bagyong si Paeng.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,135 silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 205 kph at pagbugso na 240 kph.
Kumikilos ito sa pahilaga-hilagang-silangan sa bilis na 13 kph.
Wala namang direktang epekto ang bagyo sa panahon sa bansa at aasahang lalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Miyerkules. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment