PATULOY sa pagsisikip ang daloy ng trapiko sa North at South Luzon Expressways.
Ito’y bunsod ng nagsisibalikang bakasyunista sa Metro Manila mula sa mga probinsya na gumunita ng Undas.
Nagpakalat na ng ambulant tellers ang NLEX para sa advance collection gayundin sa SLEX.
Pinayuhan naman ng pamunuan ng NLEX at SLEX ang mga motorista na lumuwas ng maaga hangga’t maaari upang makaiwas sa pagsisikip ng daloy ng trapiko na inaasahang titindi pa ngayong araw. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment