NASAWI ang anim na sundalo kabilang ang 2/Lt. sa panibagong labanan ng tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa may Sitio Mompol, Bgy. Libug, Sumisip, Basilan.
Naganap ang sagupaan alas-7:30 kaninang umaga sa Basilan habang naglulunsad ng security patrol ang tropa ng 64th Infantry Battalion para ma-secure ang mga nagtatrabaho sa Saudi-assisted 64km. road project.
Tinatayang 20 armadong bandido ang nakalaban ng mga sundalo na tumagal ng 45-minuto.
Nagpapatuloy pa ang operasyon ng militar para tugisin ang mga tumakas na ASG na pinangungunahan ng isang Radzmi Jannatul.
Hindi pa tinutukoy ng militar kung ilan ang nasawi sa panig naman ng ASG. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment