Monday, November 3, 2014

UP binulabog ulit ng bomb threat

BAGUIO CITY – Nabulabog na naman ng makatanggap ulit ng “bomb threat” ang University of the Philippines (UP) kaninang umaga, November 4.


Sa radio interview, sinabi ni Baguio City police chief Sr. Supt. Rolando Miranda, ang bomb threat ay naganap dakong 9:25 a.m.


“It’s the second time UP Baguio received a bomb threat call,” ani Miranda.


Ayon kay Miranda, nagpa-deploy siya ng Special Weapon and Tactics (SWAT) at Explosive and Ordnance Division (EOD) upang tingnan ang nasabing bomba sa loob ng UP campus.


Una rito, nakatanggap ng bomb threat ang nasabing eskwelahan noong August 27 na kung saan nagkagulo ang mga istudyante palabas ng school.


Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng police ang UP Baguio. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



UP binulabog ulit ng bomb threat


No comments:

Post a Comment