Monday, November 3, 2014

Mga Ebola doctors ng China ika-quarantine

NAKATAKDANG i-quarantine ng China ang lahat ng kanilang medical staff na darating matapos na mag-volunteer sa mga bansang may outbreak ng Ebola virus particular sa West Africa.


Ayon kay Ministry of Health Bureau for Disease Control and Prevention deputy director He Quinghua, isasailalim sa loob ng 21-araw ang mga doktor na babalik matapos mag-volunteer sa mga bansang may outbreak ng naturang virus.


Nagtalaga ang China ng mga ospital kung saan dapat i-quarantine ang mga Ebola patients.


Sinasabing nagpadala ang naturang bansa ng kanilang mga 30 doctors sa West Africa at nakatakdang magpadala ng daan-daan pa sa mga susunod na linggo. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga Ebola doctors ng China ika-quarantine


No comments:

Post a Comment