TINATAYANG walong katao ang nasugatan kabilang na ang limang estudyante makaraang magsalpukan ang dalawang school service sa intersection sa Bgy. Lourdes, QC, kaninang umaga, Martes.
Nabatid na nagbanggaan sa bahagi ng Speaker Perez at N. Roxas St. ang service vehicle ng Malayan High School of Science – Pandacan, Maynila (TXF 527) at Xavier School (TWT 945).
Ayon sa imbestigasyon, napuruhan ang harapan ng mga service vehicle bunsod ng pagtama pa nito sa gutter.
Kabilang sa mga sugatan ay elementary students ng Xavier habang nagtamo umano ng tama sa ulo ang mga taga-Mapua HS na sakay ng Malayan.
Sugatan din ang mga driver ng mga naturang sasakyan at isa pang kundoktor.
Ayon sa pahayag ni Rasmur Padios ng school service ng Xavier School, patawid na aniya siya ng N. Roxas mula Speaker Perez nang bigla na lang sumulpot ang school service ng Malayan.
Depensa naman ni Jerrilito Papa, drayber ng Malayan, hindi siya maaaring sumulpot dahil main road ang kalsada.
Giit pa nito, sa halip na nag-menor, dire-diretso aniya at matulin pa ang ang takbo ng Xavier.
Kasalukuyan pa ring inaalam ang pulisya sa tunay na dahilan ng banggaan at kung sino ang dapat managot. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment