LUMALABAS na hindi lang politika kundi personal na galit ang mayroon si senador Antonio Trillanes kay Vice-President Jejomar Binay dahil nakulong ito sa ginawang rebelyon sa bansa na walang nakuhang simpatya ni Binay.
Iginiit ngayon ng kampo ni VP Binay na wala silang ipinangakong suporta sa ginawang pag-aaklas ng grupo ni Trillanes noong 2007.
Kahapon, una nang sinabi ni Trillanes na wala talagang isang salita si VP Binay kaugnay sa pag-atras nito sa debate.
Sinabi ni Trillanes na ganun din ang ginawa ni Binay matapos ang meeting nila noong 2007 na susuportahan niya ang pag-aaklas ng mga sundalo ngunit hindi ito nagpakita na dahilan ng pagkakakulong ni Trillanes at ng mga kasamahan nito.
Gayunman, pinabulaanan ito ni Toby Tiangco, tagapagsalita ng United Nationalist Alliance (UNA) at sinabing bilang abogado, hindi susuportahan ni Binay ang anomang bagay na labag sa konstitusyon gaya ng planong pag-aaklas noon ng mga sundalong Magdalo.
Natuwa naman si Tiangco sa desisyong huwag na lang makipagdebate ang bise-presidente kay Trillanes dahil wala umanong isang salita ang senador.
Ayon kay Tiangco, noong una ay suportado pa niya ang negosyanteng si Antonio Tiu at sa pagbubukas ng Sunchamp na naging guest speaker ang senador ay sinabi pa niyang isang magaling na negosyante si Tiu.
Gayunman, pagkatapos nito ay sinasabi na ng senador na dummy si Tiu ni Binay at binabantaan pa niya ito para lamang sumunod sa kagustuhan niyang masira ang pangalan ng bise-presidente. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment