NAGBIGAY ng P50-million na pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para sa repatriation ng mga Filipino workers na apektado ng kaguluhan sa Middle East.
Ang nasabing halaga ay karagdagang pondo ng Department of Foreign Affaairs (DFA) kasama na ang P100-million emergency fund para sa repatriation ng mga Pinoy sa Libya, Syria, Iraq at Gaza.
Maalalang ipinatupad na ang mandatory repatriation ng mga OFWs sa nasabing lugar matapos itaas ang crisis alert sa level 4.
Kailangan na umano ang mandatory repatriation sa mga OFWs dahil sa isyu ng seguridad sa nabanggit na bansa. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment