Tuesday, November 11, 2014

Negosyante, sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

NASUGATAN ang isang negosyante sa pagsabog ng granda sa lalawigan ng Maguindanao kaninang madaling-araw, Nobyembre 12.


Kinilala ang biktima na si Monzalim Salindab, may-ari ng isang sawmill sa Lower Siling, Buluan, Maguindanao.


Ayon kay Buluan chief of police S/Insp. Alonto Arubinto, alas-12:30 ng madaling-araw, dalawang hindi kilalang mga suspek ang naghagis ng dalawang granada sa loob ng tahanan ng pamilya Salindab.


Sumabog ang isang granada sa loob ng bahay ng biktima na maswerteng tinamaan lamang ng minor injury sa kanyang katawan.


Agad namang tumakas ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo.


Awayan sa lupa ang umano’y motibo ng pulisya sa panghahagis ng granada sa tahanan ng biktima. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Negosyante, sugatan sa pagsabog sa Maguindanao


No comments:

Post a Comment