TINIYAK ni Pangulong Noynoy Aquino III na posibleng makaligtas ang Mindanao sa nagbabadyang power crisis sa susunod na taon.
Ayon sa Pangulo, ito’y dahil patungo na sa full recovery status ang generation capacity ng Mindanao at maaaring makamit ang power security ng mas maaga kaysa sa Luzon.
Batay sa natanggap na ulat mula sa mga government agency, ilang pangunahing power plant na ang mag-ooperate sa Mindanao sa taong 2015 na magpapalakas sa generation capacity.
Kabilang na rito ang 300 megawatt coal-fired Therma South Energy Power Plant sa Davao del Sur at 200 megawatt Southern Mindanao Coal-Fired Power Plant sa Sarangani.
Dahil dito, ipinagmalaki ng Pangulo na asahan na ang sapat na suplay na kuryente sa Mindanao sa oras na magsimula ang operasyon ng mga nabanggit na planta. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment