NAPAKAMATAY ang isang lolo matapos saksakin ang kanyang misis sa Sitio Tawagan, Bgy. Tayod, Bayan ng Consolacion, Cebu.
Kinilala ang suspek na si Arquiles Abucay, 71, kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar.
Ayon sa Consolacion Police station, nadatnan na ng mga anak na nakaluhod na lamang ang matanda sa loob ng palikuran at nakagapos ng lubid ang leeg na itinali sa kisame.
Sa imbestigasyon, bago pa nangyari ang pagpapakamatay ng matanda, nagkaroon ng hidwaan ang mag-asawa na humantong sa pananaksak nito sa kanyang misis.
Samantala, inihayag ng anak ng mag-asawa na agad nilang itinakbo sa malapit na pagamutan ang ina nang sumigaw at humingi ng saklolo at aminado naman ni Crispina Abucay, maybahay ng biktima, na nasampal nito ang matanda bago pa siya nasaksak ng mister.
Nabatid na naging malamig ang relasyon ng mag-asawa mula noong nakaraang limang taon matapos kasuhan ng misis ng gambling at paghingi ng pera ng mister nito.
Dagdag nito, may sakit din sa dibdib ang matanda at naging palaisipan pa rin ng pamilya ang motibo ng matanda para magpakamatay.
Sa ngayon, nasa ligtas ng kalagayan ang maybahay matapos ang pananaksaksak. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment