LUMABAS muli sa pinagkukulungang Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City kaninang umaga (Nobyembre 10) si dating Pangulo at ngayon’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para ihatid sa huling hantungan ang kanyang apo.
Pasado 8 a.m. nang umalis ang convoy na nagdadala kay Arroyo sa VMMC para pumunta sa Forbes Park sa Makati na pinagbuburulan ng kanyang apong si Jorge Alonso ‘Hugo” Arroyo Bernas, 13-month old na nakatakdang ilibing bago magtanghali.
Kabilang sa convoy ni Mrs. Arroyo ay isang police ambulance at isang patrol car ng Quezon City Police District (QCPD).
Nitong nakaraang Linggo, pinayagan ng Sandiganbayan si Mrs. Arroyo na makapunta sa burol ng kanyang apo sa Forbes park sa Makati City sa loob ng anim na araw pero hindi pinagbigyan ang kanyang mosyon para sa isang house arrest.
Namatay ang apo ni Mrs. Arroyo noong nakaraang Nob. 2 sanhi ng congenital heart disease. Si Jugo ay anak ni Luli na nag-iisang anak na babae ni Mrs. Arroyo.
Simula ng nabanggit na petsa, pinayagan si Mrs. Arroyo na lumabas ng VMMC para pumunta sa burol ng apo pero babalik din sa bandang gabi sa opistal na under arrest siya sa kasong katiwalian.
Ang dating lider ay naka-hospital arrest sa VMMC simula pa noong October 2012.
Nahaharap ito sa kasong plunder sanhi ng pakikipagkuntsabahan para i-divert ang P366-million Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) intelligence funds para sa sariling interes mula 2008 hanggang 2010. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment