ISANG bagong silang na sanggol ang itinurnover sa pangangalaga ng Bgy. Bahay Toro, Quezon City matapos itapon sa palengke kaninang madaling-araw, Nobyembre 10, Lunes.
Ayon kay Victoria Berza, desk officer ng Violence Against Womens and Children ng Brgy. Hall ng Bahay Toro, natagpuan ang sanggol sa Tandang Sora Market sa Visayas Avenue, QC dakong 1:00 ng madaling-araw.
Sinabi pa ni Berza na isang Cherry Amurin na nangungupahan malapit sa palengke ang nakakita sa sanggol na nakabalot lamang ng tela at may pusod pa matapos iwanan ng walang pusong ina sa basurahan ng mga prutas sa palengke.
Agad naman dinala ni Amurin ang sanggol sa barangay hall ng Bgy. Bahay Toro at nakatakdang dalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kustodiya. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment