Sunday, November 9, 2014

Mandaue City inuga ng 4.2 magnitude na lindol

INUGA ng magnitude 4.2 na lindol ang Mandaue City kaninang umaga, Nobyembre 10, Lunes.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol sa may 48 kilometro ng hilagang-silangan ng Mandaue City dakong 9:19 ng umaga.


Ang origin ng lindol ay tectonic at may lalim sa lupa na 008 kilometro.


Naramdaman ang intensity 4 na lindol sa Cebu City, Mandaue City; intensity 3 sa Talisay City, Cebu; intensity 2 sa Lapu-Lapu City, at intensity 1 sa Bogo City, Ormoc City, Leyte.


Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Mandaue City inuga ng 4.2 magnitude na lindol


No comments:

Post a Comment