Sunday, November 9, 2014

2 dakip sa granada at baril

KULONG ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng granada at baril ng mga pulis sa Caloocan City, Linggo ng gabi, Nobyembre 9.


Kinilala ni Chief Insp., Yammy Comay, hepe ng District Special Operation Unit ang mga nadakip na sina Ismael Watamama, 32, at Jimmy Oquiza, 39, kapwa tubong Catabato.


Batay sa ulat, alas-11:30 ng gabi nang mapansin ng mga pulis ang mga suspek na nakatayo sa tapat ng bahay sa Phase 3G, Dagat-dagatan ng lungsod.


Nang lalapitan ng mga pulis ay biglang nagpulasan ang mga suspek kung saan nakaakyat pa sa bubungan si Watamama subalit lumusot ito dahilan upang madakip at makuhanan ng dalawang granada habang kalibre .45 naman ang nakuha kay Oquiza.


Dahil walang awtoridad na magdala ng mga nasabing ebidensya ay dinala sa presinto ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso kung saan inaalam na ng mga pulis kung sangkot sa iligal na gawain ang dalawa. RENE MANAHAN


.. Continue: Remate.ph (source)



2 dakip sa granada at baril


No comments:

Post a Comment