Tuesday, November 4, 2014

Rookie cop, isa pa huli sa droga

SWAK sa kulungan ang isang rookie cop at kasama nito dahil sa iligal na droga matapos mahulinh nagdadala ng ipinagbabawal na gamot sa Fairview, Quezon City kaninang madaling-araw, Nobyembre 4, Martes.


Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Senior Supt. Joel D. Pagdilao ang suspek na si PO1 Brazil Mujawarin, habang ang kasamang sibilyan ay nakilalang si Bonifacio Mundalo, 21, kapwa ng B71 Yuan St., North Fairview, QC.


Sa ulat, dakong 1:00 ng madaling-araw nang dakpin ang dalawa habang nagde–deliver umano ng iligal na droga sa labas ng 7-11 Convenience Store sa Bgy. North Fairview.


Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu at ang ginagamit na sasakyan sa operasyon na Suzuki Raider motorcycle na may plakang 8959 PR.


Nakapiit ngayon sa detention cell ng QC Police ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165, Dangerous Drug Act Law of 2002. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Rookie cop, isa pa huli sa droga


No comments:

Post a Comment