Tuesday, November 4, 2014

Kelot, inutas sa Islamic center

POSIBLE umanong may kinalaman sa iligal na droga ang dahilan ng pagpatay sa isang lalaki sa loob ng compound ng Islamic Center, kagabi, sa San Miguel, Maynila.


Inilarawan ni SPO1 Rommel del Rosario, ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang nasa edad 25 – 30, naka-itim na sando, short pants at tsinelas.


Sa imbestigasyon, pasado alas-6 umano nang maganap ang pamamaril ng ‘di nakilalang suspek sa biktima sa harap ng bahay sa Marayad St., Islamic Center, Carlos Palanca, San Miguel, Maynila.


Bigo naman ang pulisya na makakuha ng impormasyon sa pagkakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.


Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon krimen na hinihinalang droga ang motibo. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot, inutas sa Islamic center


No comments:

Post a Comment