Tuesday, November 4, 2014

Empleyada nadale ng holdaper-in-SUV

HINDI na motorsiklo kundi isang mamahaling Sports Utility Van (SUV) ang getaway vehicle ngayon ng mga holdaper sa Quezon City na may plakang “8” na para lamang sa mga kongresista.


Nakumpirma ito kaninang umaga (Nobyembre 4) ng Quezon City Police District – Station 10 nang makunan sa closed-circuit television camera (CCTV) ang sasakyan ng isang holdaper na ang gamit sa panghoholdap ay isang Toyota Innova na may plakang ‘8’ ngunit PLO-129 ang nasa likod.


Sinabi ng QCPD investigators, ang pinakahuling biktima ng ‘holdaper-in-SUV’ ay nakilalang si Cindy Mangaya, 25, isang empleyada.


Ayon kay Mangaya, naglalakad siya sa Mother Ignacia St., sa Bgy. South Triangle, Q.C. dakong 6:15 a.m. nang mapansin niya ang naturang gray na SUV na nakaparada sa nasabing lugar.


Pagkalampas niya sa nasabing SUV, biglang bumaba ang nagmamaneho nito at itinutok sa kanyang ulo ang baril nito saka hinablot ang kanyang shoulder bag.


Tinangka pa niyang manlaban pero lalong inilapit ng suspek ang baril sa kanyang ulo kaya sa takot ay nagparaya na lang ito. Kabilang sa natangay sa kanya ay kanyang P2,000 cash, dalawang cellphone at ATM card.


Ayon sa biktima, hindi naman siya sinaktan ng suspek pero na-trauma siya sa pagtutok ng baril sa kanyang ulo.


Tumakas ang suspek patungong EDSA.


Lingid naman sa suspek, nahagip sa CCTV ang insidente at maging ang plaka ng kanyang SUV.


Sinabi ng barangay officials sa lugar na pangalawang beses na umatake ang naturang Innova sa kanilang lugar at ang una’y noong katapusan lang ng Oktubre.


Hinala naman ng QCPD na maaring ginagamit lang ng suspek ang plakang nabanggit para ipanakot sa kanilang bibiktimahin o para iligaw ang imbestigasyon ng pulisya. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Empleyada nadale ng holdaper-in-SUV


No comments:

Post a Comment