TILA matagal-tagal pa na matutunghayan ang Makati sa mga balita.
Dahil, ayon sa isang senador, may ibubulgar pa siyang iregularidad na kailangang sagutin ni Vice-President Jejomar Binay.
Ilang buwan na rin ang ginugol sa pag-uusisa sa Pangalawang Pangulo na nagsimula sa sinasabing overpriced Makati City Hall building ll.
Mula kasi sa kontrobersyal na Makati City Hall building ll, sinundan ng isyu sa cake at 350-ektaryang lupa sa Rosario, Batangas.
Sa pinakahuling Senate hearing, naglabas ng panibagong isyu si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado laban kay VP Binay.
Overpriced din daw ang Makati Science High School.
May babala pa si Mercado na marami pa siyang ibubulgar na ginawang ‘kalokohan’ ni VP Binay nang alkalde pa ito ng Makati.
Kung saan patungo ang imbestigasyon na ito ng blue ribbon sub-committee ay ‘di malinaw sa alituntunin ng Senado.
Sa pananaw kasi ng publiko, ang nagaganap na Senate inquiry na ito ay hindi ‘in aid of legislation’, kundi ‘political persecution’ kay VP Binay.
Ang inquiry ay ikinasa para sirain umano si VP Binay na matagal nang nagpahayag ng kagustuhang tumakbo sa pagka-Pangulo sa May 2016.
Sa rami na ng mga isyu na ibinabato sa kanya, ‘di galit kundi awa na ang nararamdaman ng madla sa human rights lawyer-turned politician.
Pakiwari na ng madla ay tama ang sinasabi ni VP Binay na ang lahat ng isyung ikinakabit sa kanyang katauhan ay pawang paninira lamang. Ganyan din ang obserbasyon natin.
Habang dumarami ang iniisyu sa kanya, ang simpatya ng taumbayan ay kay VP Binay.
Ang nakaraang survey na si VP Binay pa rin ang numero uno sa presidentiables ay patunay na wa-epek ang imbestigasyon ng Senado sa kanya.
Sa tatlong stooges, hayaan n’yo na kasing ang Office of the Ombudsman ang magsabi kung may katotohanan ang mga paratang kay Vice-President Binay. CHOKEPOINT/BONG PADUA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment