Wednesday, November 26, 2014

PESTENG LANGAW AT ANG TMC CLARK

NILALANGAW ang mga hapag-kainan, kuwarto, sala at paligid ng mga kabahayan sa Purok 5, Bgy. East Dirita, San Antonio, Zambales dahil sa manukan ng Jezrel Farm.


Ito Ang Totoo: sumbong sa atin ito ng mga residente ng naturang lugar dahil sa, bukod sa perhuwisyo sa pang-araw-araw na takbo ng buhay, panganib din sa kalusugan kapwa ng mga bata at matanda, lalo na ang mga dati nang maysakit.


Hindi umano inaaksyunan ni Bgy. Chair Efren Labrador at minsan naman nang ipinasara ni Mayor Estela D. Antipolo, M.D.


Dahil muli na namang nag-o-opeate ang Jezrel Farm, kailangan na naman si Mayor Antipolo kung talagang nakapamiminsala ang naturang manukan.


Naniniwala tayo na hindi ito palalampasin ni Mayor Antipolo at ng masipag na Municipal Administrator na si Robert Cantil.


Kung tumutupad man sa mga alituntunin at patakaran ng bayan ang Jezrel Farm, mukhang meron pa ring pagkukulang dahil sa dinaranas ng mga mamamayan kaya mahalaga pa rin na ito ay bigyang pansin ng mga kinauukulan.


Tingnan natin ang kanilang magiging hakbang.


***


Malaking bagay ang napipintong pagbubukas ng The Medical City Clark (TMC Clark) sa dating US Air Force base sa Pampanga sa Enero 2015.


Ito kasi ang magiging pinakamodernong ospital sa gitnang Luzon at makikinabang hindi lang mga tagarito kundi pati mga taga-ibang rehiyon tulad ng Region 1, 2 at northern National Capital Region (NCR).


Ito Ang Totoo: dala ng TMC Clark, susulong din ang pagnenegosyo sa bahaging ito ng Luzon dahil may “world-class” na ospital na aakit sa foreign investors na mamuhunan para sa tiyak na magandang kalusugan.


Mag-eempleyo pa ng marami ang TMC Clark kaya ang mga magkakatrabaho ay magkakaroon ng pangsustento sa pangangailangan ng sarili at pamilya, kasama na ang edukasyon. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


.. Continue: Remate.ph (source)



PESTENG LANGAW AT ANG TMC CLARK


No comments:

Post a Comment