Wednesday, November 26, 2014

Sen. Cynthia Villar, ayaw nang patakbuhin ang asawa sa pagka-Pangulo

MARIING tinututulan ni Senador Cynthia Villar na tumakbong muli sa pagka-Pangulo ang asawang si dating Senador Manny Villar.


Kasunod na rin ito nang pagkumpirma ni Senador Antonio Trillanes na kabilang si Villar sa ginagamit ng Nacionalista Party para isabong kay Vice-President Jejomar Binay sa 2016 Presidential Elections.


Sinabi ni Senador Villar na mismong ang asawa niya ang nagpahayag na hindi na ito interesado pang tumakbo sa eleksyon dahil mas gusto na lamang nitong tumutok sa negosyo.


Sa kabila nito, kinumpirma naman ng senador na mayroong ilang nanliligaw sa kanyang asawa para tumakbong Bise-Presidente. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Sen. Cynthia Villar, ayaw nang patakbuhin ang asawa sa pagka-Pangulo


No comments:

Post a Comment