ISANG nagngangalang Erben Olivera ang nag-email sa amin. Tungkol kay Paolo Ballesteros ang ipinadala niyang impormasyon. Binabatikos niya ito dahil sa diumano’y pagiging gimikero raw nitong Eat Bulaga host. Tuwing weekend daw ay nasa bar ito kasama ang mga barkada pero ang anak na ipinaglaban pa niya noon para makuha ang kustodiya ay pinababayaan lang. Halos hindi raw nito pinapansin ang anak dahil inaasa niya sa kapatid na si Roxanne Ballesteros ang paga-alaga.
Oo nga’t ang husay daw nito sa make-up transformation pero pagdating daw sa sariling anak ay wala raw itong kahusay-husay sa pag-aasikaso.
Naiintindihan daw ni Erben na pagod ito sa araw-araw na trabaho pero sana daw, eh, ang Sabado at Linggo ay ilaan naman nito sa kanyang anak. Hindi raw tama na lahat na lang ay ang kanyang kapatid ang gagawa ng kanyang resposibilidad para sa nag-iisang supling.
Sino ba itong si Erben Olivera? Hinanap namin sa Facebook at Google ang kanyang pangalan pero wala kaming makita. Feeling namin, kamag-anak nila ang taong ito na nagtatago lang sa ibang pangalan.
***
AI-AI DELAS ALAS, NAGPALIT NA NG PANGALAN
Damang dama ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas na nag-transform siya na parang si Jennifer Lopez dahil sa electronic dance music (EDM) album niyang “ADA: The EDM Diva” ng Star Music.
“Ilang buwan nang pinapatugtog sa radyo ‘yung kanta kong ‘Nandito Lang Ako’ na ang sinasabi lang ay kinanta ni ADA. Akala ng iba, si ADA ay foreigner. ‘Yung iba akala, Korean si ADA. Pero ako po si ADA — Ai-Ai dela Alas,” pahayag ni Ai-Ai na nagkaroon ng kanyang grand album launch noong Linggo (Nobyembre 9) sa “ASAP 19” kung saan kinanta niya ang carrier single na “Nandito Lang Ako.”
Ayon pa sa actress-singer na nagdiriwang ngayong taon ng kanyang ika-50 kaarawan at ika-25 anniversary sa showbiz, ang mga kanta sa album niya ay swak, hindi lang sa mga ka-edad niya, kundi maging sa kabataan.
“Feeling J. Lo talaga ako dahil bago ‘yung tunog ng mga kanta sa album ko. Ma-aappreciate siya kahit ng mga teenager,” ani AiAi na tinatawag na ngayon sa kanyang stage name na ADA. “Hindi ko naman hinahangad na maging ka-level ko si Psy sa kasikatan, pero matagal ko nang gusto magka-album na maraming magkagugusto at talagang bibilhin.”
Bukod sa kanyang carrier single, mapakikinggan rin ang pito pang kanta niya kabilang ang “Awitin Mo At Isasayaw Ko,” “I’m Feeling Sexy Tonight,” “Cocol Me,” “I-swing Mo Ako,” “Kitang-kita,” “Ikaw At Ako Bagay Tayo,” at “Sa Kailanman.” Nakapaloob rin sa album ang dalawang bonus tracks—ang “Nandito Lang Ako” kung saan kasama niya si Smugglaz at ang Brian Cua Club remix ng parehong kanta. Bahagi rin ng album ang minus one versions ng lahat ng kanta.
Ang “ADA: The EDM Diva” ay mabibili na sa leading record stores nationwide sa halagang P199 lamang. Maaari na ring ma-download ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment