Tuesday, November 11, 2014

Bea Binene, nagdiwang ng 17th birthday sa piling ng mga batang may cancer

MASAYANG ipinagdiwang ni Bea Binene noong Nov. 4 ang kanyang 17th birthday kapiling ang mga batang may cancer na nagmula sa iba’t ibang ospital na tinutulungan ng GMA Foundation.


Si Bea noon pa ay supporter ng GMA Foundation. Sa halip na siya’y magkaroon ng magarbong birthday celebration, mas pinili ng young actress, na bida ngayon sa top rating Strawberry Lane, na mag-celebrate kasama ang mga batang may cancer sa isang branch ng McDonalds.


Bukod sa pagpapakain sa mga bata, nagbigay rin ng munting alaala na regalo si Bea.


Taun-taon ay ganito ang ginagawa niya dahil gustong mapasaya ang mga batang may sakit kahit sa munting paraan na alam ni Bea ay mapapaligaya sa kanila. Syempre, katulong ni Bea sa pag-aasikaso ng mga bata ay ang kanyang butihing ina, Carina Binene. Di nakarating si Jake Vargas dahil may mahalagang schedule rin ang actor.


RITZ AZUL, PAG-AAGAWAN NINA DEREK RAMSAY AT EMPOY


Magiging busy pa rin Ritz Azul sa TV 5. Magkakaroon siya ng ikalawang comedy show sa Kapatid Network. Bukod sa Tropa Mo Ba Nicely, magkakaron ng sitcom si Ritz bilang nag-iisang leading lady nina Derek Ramsey at Empoy.


Riot sa comedy ito, na wala pang title pero malapit nang simulan ang taping ng show.


Ani Ritz: “Di naman ako talaga pinababayaan ng TV 5. Kung last year ay sunud-sunod ang soap opera ko, na name-miss ko rin ngayon, pinalitan naman ito ng comedy shows. “


Gamay na si Ritz pareho sina Derek at Empoy. Lalo na si Derek na ka-loveteam niya sa Kidlat at sa Love or Money. Natsismis pa sila noon ni Derek pero hanggang loveteam lang lahat ang talaga. Ayaw pa talagang paligaw hanggang ngayon ni Ritz.


May bagong pelikula ring sisimulan si Ritz pero ‘di pa namin alam ang title.


MICHAEL V, BAGONG KINAGIGILIWAN AT KINAIINISAN


HINDI nauubusan ng character ang multi-talented actor-comedian na si Michael V. Tulad ngayon sa Bubble Gang, tuwing Friday night, inaabangan ang bagong character niyang Mr. Matapobre. Kinaiinisan na siya sa Mister Asimo, ngayon naman ay higit pa ang pagkamuhi sa kanya bilang si Mr. Matapobre.


Laging biktima ni Michael V sa portion na ito ay si Betong. Kawawang Betong, laging nabubugbog. Ang pambawi naman ni Michael V sa character niya sa BG ay ang characterization niyang bilang si Tata Lino. Ang matandang ubod ng talino na matatawa ka rin sa kanyang mga solusyon sa problema. ON THE SET/NOEL ASINAS


.. Continue: Remate.ph (source)



Bea Binene, nagdiwang ng 17th birthday sa piling ng mga batang may cancer


No comments:

Post a Comment