GINAGALANG ng Malakanyang ang pag-atras ni Vice-President Jejomar Binay sa sana’y kontrobersyal na debate nila ni Senador Antonio Trillanes IV.
“We respect the Vice-President’s decision,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.
No comment naman ang Malakanyang kung nakapanghihinayang ba ang ginawang pag-atras ni VP Binay sa debate nila ng senador.
Sa kabilang dako, inamin ni Usec. Valte na nakahanda silang tutukan ang debate nina Vp Binay at Trillanes kung natuloy lamang sana ito.
Ang debate ay itinakda sa Nobyembre 27.
Nauna rito, naniniwala naman ang Malakanyang na importante ang debate sa bawat opisyal ng bansa dahil nabibigyan sila ng pagkakataon na maihayag ang kanilang saloobin.
Matatandaang sinabi ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na bahagi sa pagiging masigla ng isang demokrasya ang pagkakaroon ng mga public debate ng mga lider politika sa mga napapanahong usapin.
Kaya marapat lamang na hayaan nang maganap ang mga talakayang magbibigay ng dagdag na kaalaman sa publiko. KRIS JOSE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment