Tuesday, November 11, 2014

Pagpipiyansa ng 17 pulis sa Maguindanao massacre, hinarang

PINABABAWI ng prosekusyon sa Quezon City court ang naipalabas nitong utos na pumapayag na makapagpiyansa ang 17 police officers na akusado sa Maguindanao massacre para sa kanilang pansalamantalang kalayaan.


Sa 15-pahinang motion for reconsideration, sinabi ni Archimedes Manabat, head ng prosecution panel sa kaso na ang ginawang hakbang na ito ni QCRTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ay nagpapakita lamang na mahina ang kanilang mga ebedensya laban sa mga akusado kaya’t pinayagan ang mga itong makapagpiyansa.


Sa kanilang mosyon, pinasasantabi muna ng prosekusyon sa QC court ang naipalabas nitong Oct. 13, 2014 Omnibus Order na nagsasaad na maaaring makapagpiyansa ang naturang mga akusado.


Ang naturang mga police officers na akusado sa krimen ay mula sa 1508th Provincial Mobile Group (PMG) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).


Iginigiit ng prosekusyon na dapat busisiin munang mabuti ng korte ang mga naiharap nilang ebedensya laban sa naturang mga akusado para matiyak na hindi sila karapat-dapat na makapagpiyansa.


Una nang itinatanggi ng naturang mga akusado na sila’y walang kinalaman sa naturang krimen at sinasabi din ni Judge Solis Reyes na wala siyang nakitang matitibay na ebedensya na nagdidiin sa mga akusado sa krimen kaya pinayagan ang mga itong makapagpiyansa.


Ang 17 police officer ng PNP na akusado sa massacre ay iba pa sa 25 police officers na akusado rin sa krimen na napayagang makapagpiyansa.


Sinasabing umaabot sa P11.6-milyon ang dapat na piyansang ilalagak sa korte ng bawat akusado dahil 58 counts ang kasong murder na kanilang kinasasangkutan na may P200,000 kada kaso ang piyansa. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagpipiyansa ng 17 pulis sa Maguindanao massacre, hinarang


No comments:

Post a Comment