Tuesday, November 11, 2014

2 TEPOK SA KAPWA HOLDAPER

PATAY sa pamamaril ang dalawang hinihinalang mga holdaper sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Nobyembre 10.


Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina Erwin Bautista, 34, at Victor Magat, 42, kapwa ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.


Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na ‘Banong’ na kilalang holdaper ng nasabing lugar.


Sa ulat, alas-10 ng gabi, naglalakad sa Main Road ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod ang biktimang si Janice Santos nang harangin ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek sabay tutok ng patalim at baril at nagdeklara ng holdap.


Kinuha ng mga suspek ang cellphone at P300 cash ng biktima bago nagsitakas.


Makalipas ang kalahating oras ay sunod-sunod na putok ang narinig sa isang building sa nasabing lugar hanggang sa makitang tumatakbo papatakas si Banong.


Nabatid na ang nasabing gusali ay ginagamit na hide-out ng mga holdaper upang doon pagpartehan ang mga nakulimbat.


Nakakuha ang mga pulis ng 16 na basyo ng .9mm na baril at tatlong basyo ng shotgun sa nasabing gusali.


Nakatakda naman imbitahan si Santos ng mga pulis upang matukoy kung ang mga nasawi ay kasama sa mga nangholdap sa una kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang may kagagawan sa pagpatay sa dalawang nasawi. RENE MANAHAN / IVAN GADDIA


.. Continue: Remate.ph (source)



2 TEPOK SA KAPWA HOLDAPER


No comments:

Post a Comment