ANG “gate-crashing” nina Navotas Rep. Toby Tiangco, United Nationalist Alliance interim president (UNA) at Atty. JV Bautista, UNA interim secretary general, habang nasa kasagsagan ang Blue Ribbon “sub-committee” hearing ng Senado ay may hatid na napakasamang epekto.
Una, dahil ang isa sa gumawa nito na si Rep. Tiangco ay isa ring mambabatas.
Ibig-sabihin, parekoy, alam nito na maging sa patakaran ng mga pagdinig ng Kongreso ay hindi pinahihintulutan ang ganoong gawain.
Pero dahil desperadong ipagsanggalang ang iniuulat na kayamanang ‘di maipaliwanag ni Vice-Pres. Jojo Binay ay mas pinili ni Tiangco na wasakin ang usaping etiketa o kagandahang asal.
Maipagtanggol lang si Nognog! King-ina!
Higit sa lahat, paulit-ulit, parekoy, na iniimbitahan si Binay sa nasabing pagdinig para maipaliwanag nito ang kanyang panig.
Pero mas pinili ng kanilang kampo na hindi siya padaluhin kahit siya imbitado at ang mga kaalyado nitong hindi naman imbitado ang kanilang pinalusob sa Senado!
Na para bang ang mensahe nila, eh, binababoy n’yo rin lamang ang pagkatao ng aming amo dahil sa kanyang “babuyan” sa Batangas, eh, ‘di babuyin na rin namin ang inyong pagdinig!
Tsk, tsk, tsk. Babuyan na talaga ang labanan ngayon!
Buti na lang wala roon si Sen. Drilon! Ehek!
Tanong kay VP Binay: Bakit ayaw mo talagang dumalo sa imbestigasyon sa Senado?
Ano ang ikinatatakot mong “katotohanan” na maaaring sumambulat sa iyong pagmumukha kung dadalo ka?
Suhestyon kay Binay: Bakit hindi na lang ikaw ang sumipot sa Senado para bitbitin yaong mga dokumentong dala-dala nina Rep. Tiangco?
Pakiusap kay Nognog: Sana lang po, kung ayaw mo rin lang talaga na dumalo sa Senado ay huwag mo na itong babuyin o ipababoy sa iyong mga alipores.
Para hindi masyadong mahalata ng taumbayan na natatakot ka lang talaga sa mga posibleng lumutang na katotohanan habang lumalawak ang demolition, este, investigation ng Senado.
Para kung hindi mo man mailigtas ang iyong pagmumukha ay maisalba na lang sana ang dangal ng iyong mga alipores gaya ni Tiangco.
Na sa paghahangad na mailigtas ka ay nagmumukha tuloy itong tolonges sa etikitang pinaiiral sa mga pagdinig ng Kongreso!
Marami na po Ginoong Binay ang naaapektuhan dahil sa posible mong kabalbalan!
Sana lang ay huwag mo na silang idamay sa iyong pagkawasak!
-o0o-
Ang nagkalat na droga, putahan at iligal na sugal gaya ng video-karera (VK) machines ng Pulis-Pasay na si SPO1 Latore ang bumuhay sa pagiging “Sin City” ng Pasay.
Na sa hindi malamang kadahilanan ay mistulang binabasbasan pa maging ng kanyang mga opisyal! Pwe! BURDADO/JUN BRIONES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment