Monday, November 3, 2014

ABUSADONG SUPREME COURT 2

“THE Senate and the House of Representatives shall each have an Electoral Tribunal which shall be the sole judge of all contests relating to the election, returns and qualifications of their respective Members.


“Each Electoral Tribunal shall be composed of nine Members, three of whom shall be Justices of the Supreme Court to be designated by the Chief Justice, and the remaining six shall be Members of the Senate or the House of Representatives, as the case may be, who shall be chosen on the basis of proportional representation from the political parties and the parties or organizations registered under the partylist system represented therein.


“The senior Justice in the Electoral Tribunal shall be its Chairman.”


‘Yan ang malinaw na nakasaad sa Article 6 Section 17 ng ating Saligang Batas na siyang sandigan ng lahat ng batas sa ating bansa.


Sa ating Saligang Batas nagmula ang anomang kapangyarihang tinatamasa ng ating mga opisyal ng pamahalaan, kasama na ang mga miyembro ng hudikatura.


Ngunit dahil ang hudikatura rin ang inatasan ng Saligang Batas na siyang may karapatang magbigay ng interpretasyon sa ating mga batas, tila pinaglalaruan na lamang ng ating mga hukom ang kanilang pagpapakahulugan sa ating mga batas.


Sa halip na ang pagpapakahulugan sa isang kaso ay upang bigyang-daan ang hustisya batay na rin sa itinakdang layunin ng isang batas, tila ang mga ito ay nakadepende sa kapritso at sa interes ng ating mga hukom.


‘Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit tila pabago-bago o flip-flopping ang mga desisyong ipinalalabas ng ating mga hukom, magmula sa mga trial court judge hanggang sa ating kapita-pitagang mga hukom sa Court of Appeals at Supreme Court.


Sa kaso ni Marinduque Congresswoman Regina Reyes, malinaw na ang layunin ng ginagawang panghihimasok ng Korte Suprema taliwas sa itinatakda ng ating Saligang Batas ay upang matanggal ang mambabatas at umupo sa puwesto si Lord Allan Jay Velasco, anak ni Supreme Senior Associate Justice Presbitero Velasco.


Kahit pa sabihin natin na maaaring hindi naman ginagamit ni Justice Velasco ang kanyang impluwensya upang mapaboran ang kanyang anak, hindi ba’t angkop lamang na manaig naman sana ang delicadeza at hindi na hinayaang pag-aksayahan pa ito ng panahon ng Supreme Court?


Hayaan na lang dapat ng Supreme Court ang HRET na gawin ang mandato nito sa ilalim ng ating Saligang Batas ay hindi dapat ito nagpapagamit sa political agenda ng isa sa kanilang mga miyembro.


Otherwise, bakit pa natin binuo ang HRET kung ang bawat desisyon pala nito ay maaaring baliktarin pala ng Korte Suprema?


Kung ganyan lang din pala ay nararapat na nga siguro nating amyendahan ang Saligang Batas at buwagin na nang tuluyan ang HRET.


Simple lang sana ang isaisip ng ating mga kagalang-galang na mahistrado.


Bagama’t maaari nilang bali-baliktarin ang kahulugan ng ating mga batas ayon sa kanilang agenda, kahit kailan ay hindi maaaring tama at makatwiran ang kawalan ng delicadeza.


***

Para sa inyong komento at suhestyon, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


.. Continue: Remate.ph (source)



ABUSADONG SUPREME COURT 2


No comments:

Post a Comment