Monday, November 3, 2014

Pagkalas ni Binay sa gabinete malaking kawalan – JV Bautista

MALAKING kamalian umano kung hahayaan ni Pangulong Noynoy Aquino na kumalas sa gabinete si VP Jojo Binay, ayon sa tagapagsalita ni VP Binay na si Atty. JV Bautista.


Maalalang kahapon ay binuweltahan ni PNoy si Binay sa mga batikos nito sa kanyang administrasyon at sinabing kung hindi nito nagugustuhan ang kanilang ginagawa ay malaya naman itong kumalas.


Nagpayo pa ang Pangulo na kung may solusyong at suhestyon si Binay ay mas maiging ilahad ito sa kanya at sa gabinete upang mapabuti ang sistema ng pamamahala sa bansa.


Kaagad namang sumagot si Binay at sinabing mataas ang kanyang respeto sa Pangulo at patuloy siyang magiging team player dito.


Ayon kay Bautista, sinabi nito na maganda ang performance ni Binay sa dalawang ahensyang pinamumunuan, ang Housing and Urban Development Coordinating Council at Overseas Filipino Workers Concerns.


Ito ang dahilan kung kaya mataas umano ang trust rating ng publiko kay Binay bilang lingkod bayan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagkalas ni Binay sa gabinete malaking kawalan – JV Bautista


No comments:

Post a Comment